
Sa taong ito, ang tema ng Buwan ng Wika ay Wikang Katutubo: Tungo sa isang bansang Filipino. Ang tema ay nagbibigay kahulugan at importansya sa ating wika na siyang tulay at gabay tungo sa makabuluhang buhay ng isang bansang filipino.
Ang komisyon sa wikang filipino ang namuno sa selebrasyon ng taong ito sa tulong din ng pamumuno ni Virgilio Almario, naging matagumpay at maganda ang naging takbo ng selebrasyon ng buwan ng wika sa pamamagitan ng mga iba't-ibang aktibidades, paligsahan at iba pang gawain na nagpapaibayo ng esensiya ng pagiging katutubong pilipino ng bawa't isa.
Isang malahagang kaganapan ang Buwan ng Wika sa ating bansa dahil hindi lang ito irinerepresenta ang wikang pambansa kundi nilararawan sa iba't- ibang aspekto ang mga nakagisnang kultura , wika, lenggwahe, dayalekto, pagkain at iba pa ng mga ninunong pilipino, at naisasabuhay ito ng kabataang pilipino.
https://www.google.com/search?q=ancient+background&rlz=1C1CHBF_enPH842PH842&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=CbDlFf9bMqggVM%253A%252CeyGeOT9N178M6M%252C_&vet=1&usg=AI4_-kS83wds7sZXgTICt0eveHUJFH8zOw&sa=X&ved=2ahUKEwiilMaVmLTkAhVHMd4KHWgRAW4Q9QEwCHoECAcQFA#imgrc=CbDlFf9bMqggVM: